Traysikel nahulog sa ilog matapos pakialaman ng bata sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2019 03:02 AM

Martian Muyco, ABS-CBN News

NEGROS OCCIDENTAL—Nahulog sa ilog ang isang traysikel matapos pakialaman ng 10 anyos na bata sa Bago City, Negros Occidental Martes ng hapon.

Ayon sa pulisya, saglit na iniwan ng drayber na si Gino Narciso ang traysikel sa gilid ng Bantayan Park habang sakay ang bata na pasahero.

Pinakialaman umano ng bata ang traysikel at minaneho, dagdag ng pulisya.

Nawalan ng kontrol ang bata kaya nahulog ito sa ilog. Agad na nasagip ang bata na nagtamo ng minor injuries.—Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.