Lalaki natagpuang patay sa septic tank sa Palawan

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2019 03:18 PM

Natagpuan noong umaga ng Martes ang bangkay ng isang lalaki sa loob ng isang septic tank sa bayan ng Narra, Palawan.

Kinilala ng pulisya ang biktima bilang si Erwin Felizarte Guzman, 53 anyos at empleyado ng bantay-dagat ng munisipyo.

Matapos makatanggap ng tawag mula sa kaptian ng Barangay Bato-Bato ukol kay Guzman, nakita ng mga awtoridad ang bakas ng dugo sa kubo ng biktima, ayon sa pulisya.

Sinundan umano ng mga awtoridad ang bakas ng dugo at natagpuan ang open septic tank kung saan nakita ang bangkay ni Guzman.

May mga saksak sa iba-ibang bahagi ng katawan si Guzman.

Dalawang persons of interest ang hinahanap ngayon ng pulisya.

Love triangle ang isa umano sa mga tintingnan motibo kaugnay ng krimen.

-- Ulat ni Arlie Cabrestante, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.