Babae arestado sa pangingikil sa dayuhan

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2019 05:29 PM | Updated as of Aug 20 2019 04:36 PM

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa umanong babaeng escort na nangikil sa kaniyang kliyenteng banyaga.

Ikinasa ng NBI Anti-Fraud Division ang entrapment operation laban sa suspek na si Marilyn Mamucod matapos itong ireklamo ng kliyenteng si alyas "Sean."

Limang buwan na raw tinatakot ni Mamucod si "Sean" na magsusumbong sa misis nito ukol sa kanilang pagtatalik kung hindi siya bibigyan ng lingguhang P20,000 allowance.

Humingi pa raw ng kotse ang suspek at nanakot na may hawak din siyang sex video.

Aabot sa P300,000 ang nakuha umano ni Mamucod kay "Sean."

Itinanggi naman ni Mamucod ang mga paratang.

Ikinulong ang suspek sa kasong robbery extortion. -- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.