2 tricycle driver timbog sa buy-bust sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2019 03:01 AM

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

DAVAO CITY—Kulungan ang bagsak ng 2 tricycle driver na target sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Davao City Martes ng gabi.

Unang nahuli ng Talomo Police si alyas Gamay sa GSIS Subdivision, Matina matapos mabilihan ng hinihinalang marijuana.

Nakuhanan rin ang suspek ng isa pang sachet ng umano'y shabu at drug paraphernalia.

Inaresto naman ng mga pulis si alyas Arnel sa Artiaga St., Barangay 33-D matapos itong mabilhan ng ilegal na droga.

Limang sachet ng umano'y shabu ang nakuha mula sa suspek na aabot sa halagang P14,000.

Aminado ang mga suspek na gumagamit sila ng droga pero itinangging nagtutulak.—Ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.