Gumaling mula sa COVID-19 sa Quezon City, lagpas 2,000 na

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jul 02 2020 10:58 PM

MAYNILA--Aabot sa 18 karagdagang recoveries mula sa COVID-19 ang naitala ng Quezon City nitong Huwebes, kaya't umabot na sa 2,003 ang mga gumaling mula sa sakit sa lungsod.

Batay sa pinakahuling COVID-19 bulletin ng Quezon City government, 3,515 ang kabuuang kumpiramadong kaso na naitala sa lungsod.

Aabot sa 1,169 ang active cases na mga naka-home quarantine o nasa quarantine facility ng lungsod.

Nananatili sa 235 ang bilang ng mga namatay sa sakit sa lungsod.

Samantala, 6 na lugar ang nananatili sa special concern lockdown matapos makapagtala ng mataas at clustering ng COVID-19 cases.

Kabilang dito ang:

• Kaingin Bukid sa Apolonio Samson;

• Bahagi ng King Christian St., sa Bagbag;

• Insurance St. Extension at Loans St., Alley 4 sa
Sangandaan;

• 70 Mendez Road sa Baesa; at

• Marytown (sapa) sa Loyola Heights.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.