P1.4 milyong halaga ng 'kush' nasabat sa NAIA

ABS-CBN News

Posted at Jul 02 2019 12:45 AM

Raoul Esperas

MAYNILA—Nasabat ng mga awtoridad ang nasa P1.4 milyong halaga ng kush o high-grade marijuana sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City Lunes ng gabi.

Nahuli rin ang isang lalaking nag-claim ng package na galing Illinois, USA.

Ayon sa Customs NAIA, naglalaman ang package ng kush na isinilid sa pakete ng chichirya.

May bigat itong 3.4 kilo at aabot sa P1.4 milyon ang halaga.

Hindi na nagbigay ng pahayag ang suspek na residente umano ng San Juan City.

Ito na ang ika-15 drug bust ng Airport Customs ngayong taon.—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.