Naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki sa Pasay na umano ay nanggahasa sa isang 15 anyos na babae.
Inireklamo ang suspek na si Edwin Datu ng biktima, na pamangkin ng dati niyang karelasyon.
Pinangakuan umano ni Datu ang biktima ng pagkain para sila ay magkita.
Dinala ni Datu ang biktima sa pension house, kung saan nangyari ang panggagahasa, base sa imbestigasyon.
Ayon kay Datu, ang biktima ang lumapit sa kaniya para hingan siya ng pera.
Nabatid na hinikayat din ni Datu ang 12 anyos na kapatid ng biktima na makipagkita sa kaniya matapos ang insidente.
Kinasuhan ang suspek ng rape at paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004. --Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, krimen, rape, child abuse, Pasay, National Bureau of Investigation, violence against women and their children, Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, TV Patrol, Niko Baua