'I tend to make a joke out of it': Sotto sa pahayag sa mga isda sa West Philippine Sea

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at Jul 02 2019 01:58 AM

BACOLOD CITY, Negros Occidental—Ipinapaubaya na lamang ni Senate President Tito Sotto III sa Malacañang ang issue ukol sa pangingisda ng mga Chinese fishing vessel sa karagatan ng Pilipinas.

Ito'y matapos makakuha ng negatibong komento sa social media ang senador sa kaniyang pahayag na wala umanong masama kung may mga banyagang mangingisda sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

"Because the comments that I made, a lot of people don't understand it. So it's better that I remove myself to the issue," aniya.

"Let the President answer the issue seriously because I tend to make a joke out of it, and it seems many people don't understand it. So it's better that I don't discuss that."

Ayon naman kay Sotto, mayroong pagbabago sa mga committee chairmanship sa Senado, pero ang posisyon niya at ng iba pa ay posibleng maging status quo.

"Of course I leave it to my peers. They have already expressed the thinking that we will retain the leaderships, including majority leader, minority leader. But there will be movements of committee chairmanship of other committees," aniya.

Samantala, sinabi ni Sen. Miguel Zubiri na mahirap ang pagbago ng Konstitusyon dahil hindi pa raw handa ang mga Pilipino rito pero sang-ayon siya na amyendahan na lamang ang ilang batas.

"The idea of the President that maybe we can ammend the constitution without having to overhaul it is I think is a great idea," aniya.

Sina Sotto at Zubiri ang naging panauhin sa inagurasyon ng mga opisyal ng Bacolod City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.