'Al Qaeda member' na nag-aaral maging piloto huli sa Zambales

ABS-CBN News

Posted at Jul 02 2019 04:37 PM | Updated as of Jul 02 2019 07:33 PM

Arestado ng mga awtoridad ngayong Martes sa Iba, Zambales ang isang Kenyan national na umano'y miyembro ng international terror group na Al Qaeda.

Kinilala ang suspek na si Cholo Abdi Abdullah.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group director Police Maj. Gen. Amador Corpus, nahuli si Abdullah sa tinutuluyan niyang hotel sa bisa ng isang search warrant. 

Natagpuan umano sa suspek ang isang improvised explosive device, mga sangkap sa paggawa ng bomba, baril, at granada. 

Ayon kay Corpus, nagbigay ng impormasyon sa kanila ang foreign counterparts sa pagkakakilanlan ni Abdullah. 

Taong 2012 pa umano miyembro ng Al Qaeda si Abdullah at nasa Pilipinas, at naka-enroll sa flight school para maging piloto.

Inihahanda na ang mga kasong isasampa kay Abdullah. -- Ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.