Truck sumalpok sa laundry shop sa La Trinidad; 3 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2019 03:49 PM

Tatlong tao ang nasugatan matapos salpukin ng isang truck ang isang laundry shop nitong umaga ng Lunes sa La Trinidad, Benguet.

Pasado alas-6 ng umaga nang banggain ng truck na may kargang bigas ang gusali, dahilan para masugatan ang driver ng truck at 2 babae.

Dinala sa ospital ang mga nasugatan.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng pagbangga ng truck sa laundry shop.

Posible umanong maharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries and damage to property. -- Ulat ni Micaella Ilao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.