2 Australian, iba pang pasahero, nailigtas sa tumaob na bangka

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2019 08:19 PM

Nailigtas ang dalawang Australian national at tatlong iba pa matapos tumaob ang kanilang sinasakyang bangka Linggo ng gabi sa gitna ng karagatan sa bahagi ng Hinundayan, Southern Leyte at Loreto, Dinagat Island.

Sa isinagawang rescue operation, nailigtas sina Grahame David, 60 anyos at Donald Brue, 62 anyos, kapwa Australian at naninirahan sa Barangay Tahusan sa bayan ng Hinunangan. 

Nailigtas din sina Jay-ar Adanza, 19 anyos; Serecio Adanza, 40 anyos at Michael Samatina, 33 anyos, ang operator ng pump boat.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na papuntang Dinagat ang bangka Linggo ng umaga upang mangisda pero nagkaroon umano ng mechanical failure ang bangka na siyang dahilan ng pagtaob nito.

Nakauwi na sa kani-kanilang mga bahay ang mga biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.