Natagalang pensiyon ng isang OFW, inaksiyunan

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2017 04:50 PM | Updated as of Jul 01 2017 08:35 PM

Inabot ng mahigit tatlong taon bago naresolba ang reklamo ng isang overseas Filipino worker (OFW) tungkol sa kaniyang pension plan.

Hinaing ng OFW na si Frederick Castro, hindi niya agad napakinabangan ang pensiyon na matagal na niyang nabayaran sa Coco Plans.

Agad namang kumilos ang insurance company matapos idulog ng 'Tapat ng Po' sa Insurance Commission ang problema ni Castro. 

Maaari na niyang makuha ang kanyang pension plan sa nakatakdang pagbisita ng OFW sa Pilipinas ngayong Hulyo.

Payo ng Insurance Commission sa mga OFW na may kahalintulad na reklamo sa mga pre-need companies, maaari silang magtungo sa opisina ng Insurance Commission o kaya magpadala ng mensahe sa kanilang e-mail na publicassistance@insurance.gov.ph.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.