P1-M halaga ng shabu nadiskubre sa iniwang bagahe sa Makati supermarket

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2020 11:00 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nadiskubre ang mahigit P1 milyong halaga ng shabu sa isang bagaheng iniwan sa counter ng isang supermarket sa Barangay Comembo, Makati City, ayon sa pulisya nitong Martes.

Iniwan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki ang bagahe sa supermarket noong Hunyo 26 ngunit hindi ito binalikan.

May isa namang lalaki ang nagtangkang i-claim ang bagahe noong Linggo ngunit hindi ito binigay ng supermarket dahil wala itong kaukulang numero na magsasabing sa kaniya ito.

Dito na nagdesisyon ang management na buksan ang bagahe kung saan nadiskubre ang dalawang plastic ng hinihinalang shabu at itinurn-over sa pulisya.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.