Lalaki patay sa hinihinalang hit-and-run sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2020 01:59 PM

Ayon sa mga testigo, nabangga ng isang sasakyan ang lalaki habang tumatawid sa may Quezon Avenue sa Quezon City. Retrato mula kay JC Celon

MAYNILA — Iniimbestigahan ng pulisya ang dahilan ng pagkamatay ng lalaking natagpuang nakahandusay sa Quezon Avenue, Quezon City noong gabi ng Lunes. 

Bandang alas-10 ng gabi nang matagpuan ang lalaking may suot na asul na T-shirt at itim na pantalon habang duguan sa may westbound lane ng kalsada.

Ayon sa ilang nakakita, nabangga ang lalaki ng isang itim na SUV habang tumatawid sa kalsada.

Nang kuhanin ng punerarya pasado hatinggabi ng Martes, walang natagpuang gamit tulad ng wallet o ID. -- Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.