5 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Negros Occidental

Marty Go and Yasmin Dormido, ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2020 12:57 AM

Limang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID) ang naitala sa Negros Occidental nitong Lunes.

Base sa bulletin na inilabas ng Department of Health, sa limang mga bagong kaso, apat ang mga stranded at isa ang repatriated overseas Filipino worker.

Ang apat na nappostibo ay taga-Sagay City, Murcia, Binalbagan at Hinoba-an. Ang OFW naman ay taga-Valladolid.

Umabot na sa 83 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Negros Occidental.

Samantala, may isa namang bagong kasong naitala sa Bacolod City. Nagpositibo sa COVID-19 ang isang repatriated OFW sa lungsod.

Sa kabuuan, umabot na ng 46 ang naitalang COVID-19 cases sa lungsod.

Nasa quarantine facility sa kani-kanilang mga bayan ang mga bagong COVID-19 patients.

Ayon kay Atty. Rayfrando Diaz II, provincial legal officer ng Negros Occidental, maaga nilang natukoy ang mga bagong kaso at na-isolate agad ang mga ito.

"We have positive cases again both repatriated ofw and LSI. We do not have fears because we have our protocols in place. We are able to identify them before they can even leave the quarantine sites. We get to more or less isolate them to prevent them from spreading the virus in their homes and communities," ani Diaz sa lokal na wika.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.