Failon Ngayon: Pangontra sa Baha

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2019 12:13 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naging karaniwan na ang pag-apaw sa baha ng ilang lugar dito sa Metro Manila kahit mahina lang ang ulan at lalo na kapag may bagyo. Apektado na naman ang mga Pilipino sa nakapeperwisyong baha.

May ginagawa naman ang gobyerno para mapahupa ang pagbabaha pero, ang mga makinaryang gamit nila na flood pumping stations, mukhang naghihingalo na sa kalumaan na ang iba ay itinayo pa noong dekada 70. Pinapalala pa ng sandamakmak na basurang bumabara sa mga pumping station.

Sa tala ng MMDA, may 62 pumping stations na nakapwesto sa buong Kamaynilaan. Pero hindi ito sapat dahil kailangan na ng bilyong pisong pondo para makapagpagawa ng mga bago at modernong flood pumping stations para maiwasan ang pagbaha.

Habang naghihintay ng pondo, panawawagan ng MMDA, makiisa ang bawat Pilipino sa pagtatapon ng mga basura sa tamang paraan.

---------------

Abangan ang mga isyung lahat tayo may pakialam sa FAILON NGAYON tuwing Sabado pagkatapos ng Pinoy Brother Otso alas-11 ng gabi sa ABS-CBN.

Mapapanood ang replay ng FAILON NGAYON sa ANC tuwing Linggo, alas-2 ng hapon. 

Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa aming official Facebook pages, https://www.facebook.com/failon.ngayon.fanpage.
 
I-follow din ang Failon Ngayon sa aming official Twitter account sa https://www.twitter.com/Failon_Ngayon o @Failon_Ngayon at gamitin ang hashtag na #FailonNgayon.

Maaari ding mapanood ang ibang segments at episodes ng Failon Ngayon sa Youtube at iwant! Bisitahin lamang ang www.youtube.com/abscbnnews at ang www.iwant.ph