5 dawit sa pagpatay sa negosyante sa Caloocan arestado

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2019 01:27 PM

Naaresto noong Sabado ang 5 miyembro umano ng gun-for-hire group na sangkot daw sa pagpatay sa isang negosyante sa Caloocan City.

Nahuli ng Caloocan police sa magkakahiwalay na operasyon sa Barangay 176 ang mga suspek, na dawit sa pagpatay noong Biyernes kay Eugen Borlaza.

Nakuha mula sa mga suspek ang iba't ibang uri ng mga baril at bala kasama ang motorsiklong ginamit umano sa krimen.

Love triangle ang isa sa mga sinisilip na motibo sa krimen, ayon kay National Capital Region Police Office chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar.

Mahaharap sa kasong murder at illegal possession of firearms ang mga suspek.

Kasama na rin umano sa mga iniimbestigahan kaugnay ng krimen ang iba pang naging operasyon ng grupong na kinabibilangan ng mga naaresto. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.