Umano’y lider ng drug group, patay matapos makipagbarilan sa pulis sa Antipolo

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2018 06:31 PM | Updated as of Apr 01 2019 12:44 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Patay ang hinihinalang lider ng gun-for-hire at drug group matapos maka-engkuwentro ng pulisya sa Barangay San Roque, Antipolo City Sabado ng hapon.

Dead on the spot si Alden Gallo na sinasabing pinuno ng Alden-Paeng drug group, na bukod sa pagtutulak ng droga ay sangkot din sa pagpatay kapalit ng pera.

Ayon kay Supt. Villaflor Bannawagan, hepe ng Antipolo City Police, nagkasa sila ng buy-bust operation laban sa target kasama ang Region Special Operation Unit ng CALABARZON Police at naghain ng arrest warrant para sa kaniyang hinaharap na kasong murder.

Aniya, aarestuhin pa lamang sana ang suspek ngunit bumunot na ito ng baril kasama ang kaniyang kasabwat kaya't nauwi sa barilan.

Nang gumanti ng putok ang mga pulis ay dito na tinamaan ang suspek na agad niyang ikinamatay. Nakatakas naman ang kasabwat nito na patuloy na tinutugis ng pulisya.

-- May ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.