Pabrika ng lubid sa Mandaue City nasunog

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2018 11:00 AM

Kita sa kuha ni Bayan Patroller Daphny Palaña ang makapal at maitim na usok mula sa nasusunog na pabrika ng lubid sa Barangay Alang-alang sa Mandaue City.

MANDAUE CITY – Sumiklab ang apoy sa isang pabrika ng lubid sa Plaridel Street, Barangay Alang-alang sa lungsod na ito, Sabado ng umaga.

Nakunan ng video ni Bayan Patroller Daphny Palaña mula sa katabing hotel ang lagablab ng apoy at makapal at maitim na usok mula sa pabrika ng Interope Corporation.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon sa Mandaue City Fire Station, naganap ang sunog alas-5:02 ng umaga na kaagad itinaas sa ikatlong alarma.

Naideklara itong fire out alas-5:30 ng umaga.

Tinatayang nasa P70,000 ang kabuuang halaga ng napinsala sa sunog, habang wala namang naiulat na nasaktan sa insidente. 

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang sanhi ng apoy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.