'Carnapper' patay sa engkuwentro sa Las Piñas

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2018 06:33 AM

Lyza Aquino, ABS-CBN News

MAYNILA - Patay ang isang hinihinalang carnapper nang maka-engkuwentro ang mga pulis sa Manuyo Dos, Las Piñas City Sabado ng madaling-araw.

Kinilala ang suspek na si Jefferson Perido Raymundo, 31 anyos.

Ayon kay Senior Supt. Marion Balonglong, hepe ng Las Piñas City police, nagsumbong sa kanila ang biktima matapos nakawin ang kaniyang motorsiklo.

Natunton ang suspek at ang kasamahan nito sa Gatchalian Drive. Imbes na sumuko, nagpaputok umano ito sa mga pulis.

Nauwi ito sa engkuwentro na dahilan sa pagkamatay ni Raymundo. Nakatakas naman ang kaniyang kasamahan.

Nakuha mula kay Raymundo ang isang kalibre .38 na baril at 2 sachet ng hinihinalang shabu. - ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.