'Pantawid ng Pag-ibig': Ilang taga-Pasig, San Juan hinatiran ng tulong

ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2020 07:36 PM

Hinatiran ng tulong ng Pantawid ng Pag-ibig ang ilang persons with disability mula Pasig at residente ng San Juan. ABS-CBN News

Kahit nasa general community quarantine na, hindi pa rin madali para sa mga miyembro ng Kabalikat sa Pag-unlad ng May Mga Kapansanan Inc. mula Pasig City na makabalik sa normal nilang hanapbuhay.

Bukod sa takot sa banta ng coronavirus disease (COVID-19), hindi pa pinapayagan ang pagpapamasahe sa mga mall.

Habang walang pinagkakakitaan, sa mga ayuda muna umaasa ang pamilya ng mga miyembro ng grupo.

Bilang isa sa mga opisyal ng samahan, naisip ni Wella Babel, secretary ng grupo, na lumapit sa mga kompanyang maaaring makatulong sa kanila.

"Isa po 'yong ABS-CBN na naisipan ko pong mahingian ng tulong," ani Wella.

Aabot sa 322 relief packs na may bigas, de-lata, at mga kape ang dala ng Pantawid ng Pag-ibig para sa mga miyembro ng samahan.

Nagpapasalamat naman ang pangulo ng samahan na si George Babel sa tulong.

"Nagpapasalamat kami na ang aming kahilingan ay binigyan nila ng pansin at pagpapahalaga," ani George.

Nakapaghatid din ang Pantawid ng Pag-ibig ng tulong sa 2,000 pamilya ng Barangay West Crame sa San Juan City, na hindi pa rin tuluyang nakababalik sa trabaho.

Isa rito si Katrina Millan na nagtitinda muna ng barbecue habang hindi pa nakababalik bilang saleslady sa isang tiyangge.

"May mga sinusuportahan din ako sa Maynila pero hindi ko mapadalhan kasi wala nga akong trabaho," ani Millan.

Sa gitna ng hirap, lumabas naman ang malasakit at bayanihan.

Ang mag-asawang Joel at Annie Mutin na kapitbahay ni Millan ang nagbigay umano sa kaniya ng kaunting puhuhnan para makapagtinda ng barbecue.

"Siyempre bilang kapitbahay po nakakaawa naman po na hindi mo tulungan iyong kapuwa mo," ani Joel.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me
  • PayMaya

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.