Tricycle driver, patay matapos pagbabarilin sa Maynila

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2017 10:16 PM

Dead on the spot ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin sa Maynila nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Angelito Pigao, 38, na binaril sa kanto ng G. Tuazon St. at Masbate St. sa Brgy. 567, Sampaloc.

Ayon sa pulisya, nakatambay lang sa labas ng isang convenience store si Pigao habang umiinom ng kape nang lapitan at pagbabarilin ng dalawang salaring nakasakay sa motorsiklo.

Nagtamo ng apat na tama ng bala ng caliber .45 na baril sa katawan ang biktima.

Lumabas sa imbestigasyon na si Pigao ay nasa drug watchlist ng mga pulis at dati nang sumuko sa Oplan Tokhang pero hindi umano tumigil sa paggamit ng iligal na droga.

Tinitignan pa pulisya kung nahagip ng mga CCTV camera sa lugar ang pamamaril para matukoy ang mga salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.