ALAMIN: Mga kalsadang kukumpunihin sa Kamaynilaan, Hunyo 28- Hulyo 1

ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2019 05:29 PM

MAYNILA — Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng road reblocking at repair sa iba't ibang bahagi ng Kamaynilaan simula alas-11 ng gabi Biyernes, Hunyo 28.

Magtatagal ang pagkukumpuni hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, Hulyo 1.

SOUTHBOUND

• EDSA kaharap ng Guzent Construction Equipment Sales at Rental hanggang Culiat Bridge (ikalawang lane mula sa bangketa)
• Katipunan Ave. bago mag-P. Tuazon Blvd. (ikalawang lane mula sa bangketa)
• EDSA Magallanes-Baclaran Bus Stop hanggang Magallanes-Alabang Bus Stop (outer lane)
• EDSA Eugenio Lopez – Sct. Borromeo (desilting at pagkukumpuni ng manhole)

WESTBOUND

• Quirino Highway Kingfisher St. hanggang Primerose St. (ikalawang lane mula sa bangketa)
• General Luis St. Pascual St. hanggang bago mag-Oriental Tin

NORTHBOUND

• C-5 Road kaharap ng SM Aura Northbound (ikatlong lane mula sa median) at SM Aura Southbound (ikalawang lane mula sa bangketa)
• Regalado extension hanggang Quirino Highway (ikalawang lane mula sa bangketa)
• EDSA pagkatapos ng Aurora Blvd. (una at ikalawang lane mula sa bangketa)

Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na kalye at dumaan sa mga alternatibong ruta.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.