'Crane bucket’ na may semento, bumagsak mula sa isang gusali sa Ortigas

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2019 06:52 PM | Updated as of Jun 27 2019 08:58 PM

isang "crane bucket" na may kargang semento ang bumagsak mula sa isang itinatayong gusali sa Ortigas, Pasig City nitong Miyerkoles. Kuha ni BSP Safety Chief Benjie Florencio

Bumagsak ang isang "crane bucket" na may kargang semento mula sa isang itinatayong gusali sa Ortigas, Pasig City nitong Miyerkoles.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon sa opisyal ng gusali, paakyat sana ang crane bucket para magbuhos ng semento sa isang hagdan ng nasabing gusali ng biglang mahulog ito at naibuhos ang kargang semento.

"Paakyat sa bubuhusang hagdan ang bucket ng malaglag at bumuhos ang kargang semento," ani opisyal.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang safety head ng itinatayong gusali sa lugar.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya ng Pasig, naputol ang kable ng crane kung saan nakakabit ang crane bucket dahilan ng pagbagsak nito.

Tatlo ang nasaktan sa insidente habang 5 sasakyan ang napinsala, ulat ng mga awtoridad.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente ng pulisya. - Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.