4 na menor de edad kabilang sa mga nasagip sa videoke bar sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2019 09:25 AM | Updated as of Jun 23 2019 06:42 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Apat na menor de edad ang kabilang sa 8 babaeng sinagip ng mga pulis sa isang videoke bar sa Quezon City nitong Linggo ng madaling araw.

Isinagawa ang operasyon matapos mapag-alaman ng mga pulis na bukod sa videoke, nag-aalok rin ito ng panandaliang aliw at nagpapatrabaho ng mga menor de edad.

Ang pinakabata sa mga nasagip ay isang 14-anyos na babae.

“Ginawa ko lang po ito para sa bunso kong kapatid kasi ayaw kong nakikitang nahihirapan ang magulang ko," aniya.

Itinanggi naman ng may-ari ng bar na si alyas "Mommy" na alam niyang menor de edad ang ilan sa mga babae.

"Hindi ko sila mga kilala 'yan...Hindi nila sinabing 16, ang sabi sa akin 19 lang," aniya.

Ililipat muna sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development ang mga menor de edad. -- ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.