'Pantawid ng Pag-ibig': Ayuda handog sa mga tricycle driver sa Muntinlupa

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2020 07:41 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tatlong beses lang sa isang linggo maaaring pumasada ang mga tricycle driver sa Muntinlupa City dahil sa general community quarantine.

Ayon kay Rogelio Despabiladeras, kung dati ay kumikita sila ng P500 kada araw, kalahati na lang nito ngayon ang kanilang naiuuwi.

Bukod daw kasi sa hindi arawan ang biyahe, limitado lang din ang mga pasahero.

"Walang kita, walang pangkain. 'Yong pambili ng gatas, pagkain. Hirap talaga," ani Despabiladeras.

Laking pag-aalala rin ng presidente ng toda sa Muntinlupa na si Arnold Rivera na ubos na ang kanilang naipong pondo na ginamit na pantustos sa mga miyembro ng samahan.

"Naubos na namin ang aming pondo. Patuloy ang situwasyon na ganito na pahirapan ang biyahe," ani Rivera.

Dahil hindi sapat sa pang-araw-araw na pangangailangan ang kinikita, nagbabakasakali si Despabiladeras na humingi ng tulong sa iba.

"Nagpapaabot ako ng message sa mga kilalang nagbibigay, kayo lang po talaga ang nag-reply sa'kin... Nabuhayan ako ng loob," ani Despabiladeras sa Pantawid ng Pag-ibig campaign ng ABS-CBN.

Kabilang si Despabiladeras sa 720 miyembro ng toda na dinalhan ng bigas, kape, at mga de-lata ng Pantawid ng Pag-ibig.

Bukod sa mga tricycle driver sa Muntinlupa, hinatiran din ng programa ng relief packs ang mga jeepney drivers sa UP Ikot sa Quezon City na hanggang ngayon ay tigil pasada rin.

"'Yong pagbabalik ng pasada ay naghihintay pa kami ng announcement," ani Cesar Santa Maria, pangulo ng UP Ikot Drivers.

"Problema kasi wala naman estudyante at wala ring empleyado," dagdag niya.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me
  • PayMaya

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.