Oil price hike simula Martes kasado na

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2019 06:21 PM

MAYNILA — May oil price hike na ipatutupad muli sa susunod na linggo dahil sa pagmamahal ng imported na petrolyo dulot ng tensiyon sa Middle East.

Tinatayang dagdag-presyo:

  • Diesel → P0.45-P0.55/litro
  • Gasolina → P0.15-P0.25/litro
  • Kerosene → P0.40-P0.50/litro

    
Maglalaro sa P0.45 hanggang P0.55 kada litro ang magiging dagdag-presyo sa diesel.

Nasa P0.15 hanggang P0.25 naman ang imamahal ng gasolina at P0.40 hanggang P0.50 sa kada litro ng kerosene.
    
Ito na ang ika-2 sunod na linggo na may oil price hike matapos ang serye ng rollback.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.