Lalaki huli sa tangkang pagtangay sa 7 anyos sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2019 06:57 PM | Updated as of Jun 21 2019 08:19 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Timbog ang isang lalaki matapos umanog tangkain na tangayin ang isang 7 anyos na batang lalaki sa Bagong Silang sa Caloocan City.

Kinalala ang suspek na si Joselito Lopez. 

Ayon sa ina ng bata, naglalakad lang siya kasama ang dalawang anak nang sapilitan umanong agawin sa kaniya ang 7 anyos na anak na batang lalaki. 

"Naghahatakan po kaming dalawa, 'yung isang kamay hawak ko. 'Yung isa hawak niya, nag-aagawan talaga kami,” kuwento ng ina ng bata. 

Nagsisigaw ang ina ng bata para humingi ng saklolo hanggang sa nakita ng mga tanod ang suspek, at binibit ito at dinala sa barangay hall. 

Hindi umano makausap nang maayos at matipid sa detalye ang suspek nang komprontahin. 

Nanawagan naman ang mga Caloocan City Police sa mga nakakakilala sa suspek na magtungo sa kanilang tanggapan para makapagbigay-linaw sa motibo ng suspek. 

Kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law ang isinampa ng nanay ng bata sa suspek. 

-- Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.