Klase sa paaralan sa Borongan City suspendido dahil sa masangsang na amoy

Jenette Fariola-Ruedas, ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2019 02:29 PM

May ilang estudyante na ang nahimatay dahil sa matinding baho mula sa nabubulok na seedlings ng research center ng Office of the Provincial Agriculture Services (OPAS). Larawan mula kay Bhebs Abelgas Apelado

BORONGAN CITY, Eastern Samar - Sinuspende ang klase sa Eastern Samar National Comprehensive High School nitong Biyernes dahil sa masangsang na amoy mula sa nabubulok na seedlings ng research center ng katabing gusali ng paaralan.

Ayon sa ilang guro, Lunes pa ng umalingasaw ang mabahong amoy mula sa Office of the Provincial Agriculture Services (OPAS).

May ilang estudyante na rin ang nahimatay at isinugod sa school clinic dahil dito.

Naipagbigay-alam na ng paaralan ang insidente sa OPAS at maging sa lokal na pamahalaan ng siyudad para sa agarang aksyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.