Tricycle ipinagbawal na sa gilid ng Katipunan Avenue

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2018 09:11 AM | Updated as of Jun 19 2018 08:56 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Ipinagbabawal na ang mga tricycle sa gilid na bahagi ng Katipunan Avenue, sabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ngayong Martes.

Mismong si Atty. Aileen Lizada, board member ng LTFRB, ang nag-inspeksiyon sa mga ilegal umanong terminal ng mga tricycle, partikular na sa gilid ng Miriam College.

Ikinagulat naman ito ng mga tricycle driver, lalo't matagal na sila doon at aprubado ng lokal na pamahalaan ang kanilang pagbiyahe sa nasabing lugar. 

Marami ring magulang ang nagalit dahil walang masakyan ang mga anak nila papasok. Ang ibang estudyante, umuwi na lang habang ang iba isinakay sa rumespondedng government vehicles. 

Ayon kay Lizada, sasabihan niya ngayon ang city buses na mag hain ng special permit para makadaan sa Katipunan, bilang alternatibo sa tricycle sa pareho din ang presyo.

Kahit aniya aprubado ng lokal na pamahalaan, mas mataas pa rin ang national law kaya dapat pag-aralan ng mga opisyal ang pagbibigay ng permit sa mga tricycle, na hindi aniya ligtas sa highway.

-- May ulat nina Jekki Pascual at Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.