'Pantawid ng Pag-ibig': Sulat, artworks mula Bantay Bata hatid sa frontliners

ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2020 08:15 PM

Bukod sa protective gear, hinatiran din ng Pantawid ng Pag-ibig ang medical frontliners ng mga sulat at artwork mula sa Bantay Bata. ABS-CBN News

Abala sa pagsusulat at pag-drawing ang mga bata sa children's village ng Bantay Bata 163.

Espesyal ang mga liham at artwork dahil alay nila ang mga ito sa mga frontliners na lumalaban sa coronavirus disease (COVID-19).

"Gusto ko lang po magpasalamat sa kanila dahil... marami po silang nai-survive na pasyente," ani "Mark" mula sa Bantay Bata.

Inihatid ng ABS-CBN ang mga sulat at artwork sa health workers, kasama ang personal protective equipment (PPE) na ipinamahagi ng Pantawid ng Pag-ibig sa 3 ospital sa Pampanga.

"Masaya kasi kahit na mga bata sila, na-appreciate nila kung ano iyong ginagawa namin dito sa hospital," anang medical frontliner na si Karen Garcia.

Nakapagdala na rin ang Pantawid ng Pag-ibig ng PPE sa isang ospital sa Hagonoy, Bulacan at 4 na ospital sa Morong, Rizal.

"Taospusong pagpapasalamat sa mga donor namin, lalo na sa ABS-CBN. Napakalaking bagay ang binibigay nila sa ating mga frontliner," ani Jocelyn Ponio ng Diosdado Macapagal Memorial Hospital sa Guagua, Pampanga.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.