Suspek sa pagpatay sa 18 anyos na dalaga sa Dagupan arestado

ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2019 04:03 PM | Updated as of Jun 18 2019 08:39 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Arestado nitong Martes ang suspek sa pagpatay sa 18 anyos na civil engineering student sa Dagupan City. 

Nahuli ang 23 anyos na suspek sa Mangatarem sa Pangasinan. Umeekstra bilang construction worker ang suspek. 

Sa kuha ng CCTV, naglalakad umano ang biktimang si Bernadette Saplan nang biglang may humabol sa kaniya. 

Nakilala ang suspek dahil sa mga testimonya ng ilang residente kung saan nangyari ang insidente. 

Lumalabas din na may dati nang kasong robbery ang suspek noong Hunyo 2013.

Humarap din ang suspek sa kasong attempted rape noong Hunyo 2016 pero na-dismiss ito matapos umurong ang nagsampa ng reklamo. 

Pinagsisisihan umano ng suspek ang kaniyang ginawa at sinabing lango siya sa alak kaya niya nagawa ang krimen. 

Pumayag din ang pamilya na ipa-autopsy ang biktima para malaman kung ginahasa ang bata. 

Desidido ang pamilya na kasuhan ng robbery with homicide ang suspek. -- Ulat ni Joanna Tacason, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.