SAPUL SA CCTV: Beautician nagnakaw sa pinapasukang parlor sa Tondo

ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2019 05:05 AM | Updated as of Jun 18 2019 06:58 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Pinaghahanap ng mga pulis ang isang beautician matapos mahuling magnakaw sa pinapasukang parlor sa Tondo, Maynila.

Sa kuha ng CCTV noong Hunyo 3, makikitang gumagapang papasok sa parlor ang suspek na kinilalang si Pia.

Nilapitan niya ang tulog na kapuwa empleyado na si Jayvee Sebaria at kinuha ang P200 sa bulsa nito.

Kinompronta ng biktima ang suspek at ibinalik ang kaniyang pera nang susuntukin niya sana ito.

Hindi na pumasok sa parlor si Pia matapos ang insidente. Pero makalipas ang ilang araw, nadatnan nalang nila na sira ang kaha sa counter kung saan nakalagay ang kita ng parlor.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nang tingnan ang security footage, nadiskubre nilang bumalik si Pia sa parlor at nakuhanang nilapitan ang kaha.

Ayon kay Jim Sebaria, manager ng parlor, 2016 pa unang namasukan sa naturang parlor ang suspek.

Aabot sa P10,000 halaga ng kita at mga gamit sa parlor, tulad ng hair dryer at hair iron, ang natangay umano ng suspek. - Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.