7 anyos sugatan nang masagasaan sa Cainta

ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2019 01:10 PM

MANILA - Isang 7-anyos na estudyante ang sugatan matapos mabangga ng isang sasakyan sa Cainta, Rizal Lunes.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, aksidenteng nabangga ng isang Mitsubishi Adventure ang paslit habang tumatawid ito kasama ang kaniyang mga kaibigan sa isang bahagi ng Ynares Avenue.

Agad na dinala ang biktima sa Pasig City General Hospital habang ang 57 anyos na suspek na si Danilo Pacris ay sumuko sa mga awtoridad sa lugar kung saan nangyari ang insidente.

- ulat mula kay Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.