5 anyos patay matapos atakihin ng halos 10 aso sa Basilan

ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2019 12:04 PM

Patay ang isang 5 taong gulang na batang lalaki matapos atakihin ng nasa 10 aso sa Barangay Aguada sa Isabela City, Basilan. 

Naglalakad umanong mag-isa ang bata sa labas ng kanilang bahay alas-2 ng madaling araw ng Lunes nang makasalubong nito ang mga aso. 

Nakita umano ng isang miyembro ng pulisya ang lalaki at isinugod sa Basilan Community Hospital. Tumakbo umano ang mga aso makalipas ang insidente. 

Pagsapit ng hapon ay dinala pa sa Zamboanga City ang bata pero kinalauna'y binawian ito ng buhay nitong Martes. 

Iniuwi na ang labi ng bata sa Isabela City kung saan siya nakatakdang ilibing. 

Hindi pa matukoy kung bakit lumabas ng bahay ang bata nang walang kasama. 

-- Ulat ni Jewel Reyes, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.