'Pantawid ng Pag-ibig': Tulong hatid sa libo-libong taga-Rosario, Cavite

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2020 08:05 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tuwing oras ng pagkain at walang pera si Jenalyn Macawil, gatas ang kaniyang pinapaulam sa mga apo.

Nawalan kasi ng trabaho ang kaniyang 5 anak na construction worker dahil sa lockdown.

"Nung nagtatrabaho sila, sapat ang pagkain namin... pagdating ng lockdown doon kami naghirap, nagutom," ani Jenalyn.

Taga-Tacloban sila Jenalyn pero 5 beses na sila na-relocate matapos manalasa ang bagyong Yolanda.

Sa Isla Bonita sa Rosario, Cavite, kasama ni Jenalyn ang halos 100 pamilyang bakwit mula Tacloban, Samar at Iloilo.

Dumagdag pa sa pangamba ng mga taga-Isla Bonita ang tila unti-unting pagsakop ng dagat sa kanilang mga barong-barong, na delikado kapag may dumating na bagyo.

"Kasi may phobia kami mula sa bagyong Yolanda," ani Jacquelyin Macawile, anak ni Jenalyn.

"Kahit ganitong ulan-ulan lang, takot na kami sa alon nyan," dagdag niya.

Dahil din sa matinding kahirapan, hindi na naasikaso ang birth certificate ng mga anak at apo ni Jenalyn kaya hindi maka-enroll ang mga ito sa eskuwelahan. Sariling sikap na lang umano ang pag-aaral.

Nauna nang umagapay ang ABS-CBN sa komunidad nila Jenalyn sa pamamagitan ng water station ng programang "My Puhunan."

Ngayong may community quarantine, hatid ng ABS-CBN sa nasa 2,000 residente ng Isla Bonita ang pagkain mula sa Pantawid ng Pag-ibig campaign.

Tumanggap din ng dagdag na bigas at de-lata sina Jenalyn para mas matagal na masuportahan ang pagkain ng kaniyang mga apo.

"Napakalaking bagay po," ani Jenalyn.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto: 

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.