Barko nasunog sa dagat malapit sa Reed Bank: PCG

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2019 03:16 PM | Updated as of Jun 17 2019 03:47 PM

(UPDATE) Isang barko ang nasunog sa karagatan malapit sa Reed Bank noong gabi ng Sabado, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Galing sa Singapore at patungo sanang Batangas ang barkong MV Diamond Highway, na isang car carrier at pag-aari ng kompanyang K Line, sabi ngayong hapon ng Lunes ng PCG.

Sinubukang tawagan ng may-ari ang nasabing barko pero hindi ito ma-contact, ayon sa PCG.

Lulan ng MV Diamond Highway ang 25 tripulante nito, na nasagip ng bulk carrier Canupos Leader, na napadaan sa lugar habang patungong Thailand, sabi ni PCG spokesperson Capt. Armand Balilo.

Patungo na rin sa lugar ang BRP Cabra ng PCG para magsagawa sa search and rescue operation.--Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.