Babae, patay matapos pagtatagain ng mister

Ronilo Dagos, DZMM

Posted at Jun 17 2017 11:24 AM

Patay ang isang babae matapos itong pagtatagain ng kanyang mister sa Barangay Imok sa Calauan, Laguna kamakailan.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Aileen Tapay, 27-anyos.

Batay sa imbestigasyon, natutulog ang ginang sa loob ng kanilang bahay nang pagtatagain ng kanyang asawang si Erwin Tapay, 29-anyos.

Dead on the spot ang biktima habang tinangka namang magpatiwakal ng suspek sa pamamagitan ng paggilit sa kanyang leeg, subalit naabutan ito ng mga pulis at naisugod sa pagamutan.

Ayon sa pulisya, selos ang dahilan ng pananaga kung saan hinala ng mister na may kalaguyo si misis.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas ang suspek habang binabantayan ng mga pulis.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.