Sunog sumiklab sa residential area sa Lucena City

Fay Virrey, ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2019 10:33 PM

LUCENA CITY - Isang sunog ang sumiklab sa Pook Sentral, Barangay Ibabang Dupay sa Lucena City pasado alas-5 ng hapon Linggo.

Ayon sa ilang mga residente, biglaan at mabilis ang pagkalat ng apoy.

Watch more in iWant or TFC.tv

Video courtesy of Norvie Giron

Tinatayang nasa 40 hanggang 50 na mga bahay ang natupok ng apoy. Umabot sa third alarm ang sunog, kaya rumesponde na rin ang mga fire officer mula Sariaya at Pagbilao. 

Bandang 6:30 ngayong gabi nang idineklarang under control ang sunog. 

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection kung ano ang naging sanhi ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.