Lalaking nang-agaw ng mikropono sa videoke, patay sa pananaksak

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2019 10:49 PM

Patay sa pananaksak ang isang lalaking nang-agaw umano ng mikropono sa isang videoke bar sa bayan ng Siaton, Negros Oriental Linggo ng hapon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na nagalit ang suspek na si Rosita Nemaria sa biktimang si Jesus Gainsan dahil inagawan siya nito ng mikropono habang kumakanta sa loob ng isang videoke bar sa Barangay 1 sa Siaton.

Sumaklolo naman ang anak ng suspek na si Roger Nemaria at nagpang-abot sila ng biktima.

Naisugod pa sa ospital si Gainsan pero hindi na ito nakaligtas.

Agad namang nahuli ang mag-inang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.