Ilang lugar sa Metro Manila posibleng mawalan ng tubig mula Hunyo 17-19

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2019 02:57 PM

MAYNILA — Ilang barangay sa mga lungsod ng Maynila, Makati, at Pasig ang posibleng magkaroon ng mahina o mawalan ng suplay ng tubig simula Lunes dahil sa gagawing repairs ng Manila Water.

Ayon sa kompanya, magsasagawa sila ng valve at maintenance work sa ilang lugar na makaaapekto sa libo-libong mga residenteng sakop ng kanilang serbisyo.

Sa Maynila, magkakaroon ng pagkukumpuni sa Carreon corner Pedro Gil Street sa Sta. Ana simula alas-6 ng gabi Lunes (Hunyo 17) hanggang alas-6 ng umaga kinabukasan.

Bukod sa posibleng trapik na idudulot ng repair, maaaring maapektuhan din ang daloy ng tubig sa maraming barangay sa Maynila.

Magkakaroon din ng repair sa Punta, Sta.Ana simula alas-10 ng gabi ng Martes (Hunyo 18) hanggang alas-6 ng umaga kinabukasan.

Sa Martes ng gabi din, magkakaroon ng repair sa Makati City, sa Kalayaan corner South Avenue at sa maraming iba pang kalsada sa lungsod.

Apektado ang ilang barangay gaya ng Guadalupe Viejo, Cembo, South Cembo, Poblacion, San Antonio, at iba pa.

Para sa listahan ng mga apektadong barangay, tingnan ito sa Facebook page ng Manila Water o tumawag sa hotline nilang 1627.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.