Higit 2,000 'hired on the spot' sa Independence Day job fair ng DOLE

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2019 02:53 PM

MAYNILA — Hindi pa umabot sa 3,000 ang nabigyan ng trabaho "on the spot" sa ikinasang Independence Day job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa buong bansa noong Hunyo 12.

Sa datos na inilabas ng DOLE, nasa 2,818 aplikante ang hired on the spot kahit pa 70,000 bakanteng trabaho ang inialok ng ahensiya.

Marami sa mga job vacancies ay mga posisyon sa gobyerno at marami rin ang sa abroad.

Ayon sa DOLE, nasa 22,000 lang ang lumahok sa job fair.

Marami umano sa mga aplikante ay kulang pa sa training at kailangan din kumuha ng mga dagdag na pagsusulit.

Ang iba naman ay kulang ang requirements na dinala sa job fair.

Gayunpaman, umaasa ang ahensiya na mabibigyan din ng trabaho ang nasa 9,000 aplikante na kasalukuyang pinoproseso ang aplikasyon.


—Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.