Ballot box na may laman pang balota, natagpuang nakalublob sa tubigan sa Maguindanao

Arianne Apatan, ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2019 05:40 PM | Updated as of Jun 17 2019 07:24 AM

Nakita sa Datu Salibo, Maguindanao ang isang ballot box na may mga lamang balota. ABS-CBN News

DATU SALIBO, Maguindanao -- Isang ballot box na may laman pang mga balota ang natagpuan ng isang residente sa isang latian malapit sa munisipyo ng Datu Salibo sa Manguindanao Huwebes.

Mangingisda lamang sana si Moadz Mindao sa isang latian sa gilid ng Barangay Sambulawan nang makita niya ang lumulutang na ballot box.

"Nakita ko ang itim nagulat ako sunod ang katawan puti. Ang sabi ko baka buwaya tapos nakita ko ang nakasulat Commission on Elections, Republic of the Philippines," aniya.

Napag-alaman ring ngayong taon lamang ginamit ang nasabing ballot box.

Agad ding ipinagbigay alam sa mga opisyal ang natagpuang ballot box.

Ayon sa election officer ng Datu Salibo, wala naman umanong epekto sa naging resulta ng halalan ang pagkakatagpo ng ballot box.

Mayroong 9,504 registered voters sa bayan ng Datu Salibo. Sa bilang na ito, halos 5,000 voters ang bumoto noong Mayo 13.

Naiproklamang bagong halal na alkalde si Solaiman Sandigan na nakakuha ng 2,729 na boto, habang 1,427 na boto naman ang nakuha ni outgoing mayor Norodin Salasal.

Mayroong 1,778 na rehistradong botante sa Barangay Sambulawan kung saan nakuha ang ballot box.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.