'Pantawid ng Pag-ibig': Pagkain handog sa komunidad ng mga PWD sa Cainta

ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2020 07:39 PM

Inabutan ng tulong ang mga person with disability na nawalan ng trabaho nitong mga nagdaang buwan dahil sa community quarantine. ABS-CBN News

Isa si Roderick Canta sa mga nagmamadaling makapasok ulit nang mabalitaang magbubukas na ang metal works workshop ng Tahanang Walang Hagdanan Inc. (TWHI) sa Cainta, Rizal.

Nagbibigay ang TWHI ng oportunidad sa persons with disabilities (PWD) na makapagtrabaho.

Pero sa pagpasok niya, wala pang bagong order at inaasahan nilang matagal pa bago tumaas muli ang demand ng serbisyo nila.

"Sa kalagayan namin, hindi namin naiisip na maghanap ng trabaho sa ibang lugar kasi disabled kami," ani Canta.

Aminado si TWHI Executive Director Ramon Apilado na lubos silang nahirapan dahil sa community quarantine, na ipinatupad para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Halos mawalan umano sila ng pondo para masustentuhan ang kanilang mga tauhan.

"We rely sa trabaho na binibigay sa amin through our clients," ani Apilado.

"'Yong sustainability ngayon ng Tahanang Walang Hagdanan ay mahirap," dagdag niya.

Bilang suporta, nagdala ang ABS-CBN sa pamamagitan ng Pantawid ng Pag-ibig campaign ng 2,000 packs ng pagkain para sa mga nagtatrabaho at nakatira sa TWHI.

Kasama rin sa mga tinulungan ang mga komunidad ng mga PWD sa paligid ng TWHI compound.

"Malaking bagay sa amin 'to, salamat sa nagbigay sa amin ng pagkain," anang PWD na si Raul Catalan.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto: 

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.