'Karnaper' napatay ng pulis na ninakawan; 4 nasagasaan

ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2018 11:37 PM

MAYNILA - Patay ang isang hinihinalang karnaper habang sugatan naman ang 4 katao sa engkuwentro sa Baclaran, Parañaque nitong Biyernes.

Kinilala ang suspek na si Roderick Paulino.

Ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, direktor ng National Capital Region Police Office (NCRPO), hinabol ni PO2 Iavan Alyani ang kinarnap sa kaniyang AUV ng suspek.

Una umanong nagpaputok ng baril si Paulino kaya binaril siya ni Alyani.

Napuruhan sa ulo si Paulino kaya nawalan siya ng kontrol sa sasakyan.

Nasagasaan nito ang 4 katao na naglalakad at nagtitinda sa daan.

Agad dinala sa ospital ang mga sugatan. Namatay naman habang ginagamot ang suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. - ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.