P100,000 halaga ng droga, nasabat sa QC

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2019 09:48 AM

MANILA - Nasabat ng mga pulis ang mahigit P100,000 na halaga ng ilegal na droga sa isang buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City, Huwebes.

Target ng operasyon si alyas Amo, na nasa drugs watchlist ng Barangay Gulod, sabi ni Police Lt. Col. Rossel Cejas ng QCPD Station 4.

Inaresto ang suspek alas-11 ng gabi matapos niyang bentahan ng droga ang undercover na pulis.

Nalambat rin ang 4 sa kanyang mga kasamahan na pawang mga nakulong na dati dahil sa kasong may kinalaman sa droga.

Bukod sa P100,000 na halaga ng droga, nakuha din mula sa mga suspek ang P10,000 na marked money.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.