Mga tatay na sasakay sa LRT-2 sa Linggo, Father’s Day, makatatangap ng regalo

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2019 09:54 PM

Mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, may mga regalong ibibigay sa mga tatay na sasakay sa Recto, Santolan at Cubao stations ng LRT-2. File/Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA—Isang Father's Day treat ang naghihintay sa mga haligi ng tahanan na sasakay sa LRT-2 sa Linggo, Hunyo 16.

Mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, may mga regalong ibibigay sa mga tatay na sasakay sa Recto, Santolan at Cubao stations ng LRT-2.

May ipamamahagi rin sa mga tatay mula alas-3 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi sa Cubao station ng LRT-2.

Ginugunita ang Father's Day sa maraming parte ng mundo tuwing ikatlong Linggo ng Hunyo.