Bangkay ng paslit nakita sa drum ng tubig sa Misamis Oriental

ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2019 06:23 PM

Natagpuan sa loob ng isang plastic drum ng tubig ang bangkay ng isang 2 anyos na batang lalaki sa Barangay Casinglot sa Tagoloan, Misamis Oriental. 

Ayon sa ama ng bata, huli niyang nakitang naglalaro ang kaniyang anak sa tapat ng kanilang bahay bago umano ito nawala noong Miyerkoles. 

Nakita lamang umano ang bata nang kukuha sana ng tubig mula sa naturang drum ang kaniyang kapitbahay. 

Patay na ang bata nang isugod ito sa ospital. 

Sa imbestigasyon ng Women and Children Protection Desk ng Tagoloan police, lumalabas na sadyang ipinasok sa drum ang bata. 

May person of interst na umano ang pulisya pero magpapatuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon. 

Inirekomenda rin ng pulisya sa pamilya na ipa-awtopsiya ito para makumpirma ang sanhi ng kaniyang pagkamatay. 

-- Ulat ni Rod Bolivar, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.