Mga kumpiskadong gin ginawang disinfectant sa isang bayan sa Benguet

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2020 04:10 PM | Updated as of Jun 13 2020 06:48 PM

Binuklat ni Itogon Mayor Victorio Palangdan ang mga kumpiskadong alak. Kuha mula kay Palangdan 

Ginawang disinfecting solution ng lokal na pamahalaan ng Itogon, Benguet ang 40 kahon ng alak na nakumspika nila sa mga sari-sari store sa bayan sa gitna ng liquor ban.

Ayon kay Mayor Victorio Palangdan, ito ay para may silbi ang mga alak at hindi masayang.

Ginamit nila itong panglinis sa kanilang municipal grounds.

Nilinaw din ng alkalde na mayroon pa ring liquor ban sa kanilang bayan.

Hindi naman malinaw kung epektibo nga ba ang alak bilang disinfectant.

In-spray sa municipal grounds ang mga nakumpisakang alak. Kuha mula kay Palangdan 

-- Ulat mula kay Micaella Costales Ilao, ABS-CBN News