Suspek sa rape-slay ng 18 anyos na estudyante sa QC arestado

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2019 05:28 PM | Updated as of Jun 12 2019 07:20 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Isang lalaki ang inaresto ng pulisya dahil sa umano ay pagpatay at panggagahasa sa isang 18 anyos na Grade 12 student sa Barangay Payatas, Quezon City. 

Iniharap ngayong Miyerkoles ng Quezon City Police District (QCPD) ang 25 anyos na suspek na si Elimond Domingo, na kapitbahay umano ng biktimang si Alison Gasillo.

Si Domingo, na dinampot noong Lunes, ang itinuturong nanloob sa kuwarto ni Gasillo, at sumaksak at nakapatay dito. 

Natagpuang patay at walang suot na pang-ibabang damit sa inuupahan niyang kuwarto si Gasillo noong Hunyo 7.

Lumabas sa medico-legal examination na positibong ginahasa rin ang biktima.

Narekober sa suspek ang mga nawawalang gamit ng biktima.

Nabatid na may warrant of arrest din laban sa suspek mula sa Quezon City Regional Trial Court dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Sinampahan si Domingo ng mga reklamong robbery with homicide and rape sa Quezon City Prosecutor's Office.-- Ulat nina Doland Castro at Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.